Home NATIONWIDE P2B ayuda nakaabang sa Kristine-hit farmers, fishers

P2B ayuda nakaabang sa Kristine-hit farmers, fishers

115
0

MANILA, Philippines – Magbibigay ang Department of Agriculture (DA) wng mahigit P2 bilyong halaga ng tulong sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng Severe Tropical Storm Kristine.

Sa pinakabagong bulletin ng DA-Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center hanggang nitong Linggo, Oktubre 27, nasa P541.02 milyong halaga ng agricultural inputs kabilang ang bigas, mais at vegetable seedlings, at mga gamut at biologics para sa mga livestock at poultry ang available na para ipamahagi at masiguro ang mabilis na recovery.

Handa na rin ang dagdag na P500 milyong loanable fund sa pamamagitan ng Survival and Recovery Loan (SURE) program ng Agricultural Credit Policy, na katumbas ng P25,000 loanable amount sa bawat magsasaka at maaaring bayaran sa loob ng tatlong taon nang walang interest.

Mayroong karagdagang P1 bilyong quick response fund para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar.

Idineploy ang Kadiwa stores sa mga apektadong komunidad para magbenta ng mga murang produkto. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here