MANILA, Philippines – Kritikal ang 34-anyos na babae matapos pagtatagain ng bading na kapitbahay habang naglalakad ang biktima, kasama ang paslit na anak sa Malabon City.
Inoobserbahan ang biktimang si alyas “Sharmaine”, 34, sa Fatima Medical Center sa Valenzuela City kung saan ito isinugod ng kanyang misterdahil sa mga tinamong sugat mula sa pag taga sa batok at kamay
Sa ulat ni Malabon Police Chief P/Col. Kenneth Mission kay NPD Director P/BGen. Benliner Capili, naaresto naman ang suspek na si alyas “Melad”, 39, na kilala rin sa alyas “Eh Eh” alas-1:40 ng hapon sa Brgy. Potrero at nabawi rin sa kanya ang ginamit na 13-pulgadang itak na may bahid pa ng dugo ng biktima
Sa kuha ng CCTV sa lugar, naglalakad ang biktima at paslit na anak sa Doña Juana St. Brgy. Potrero alas-10:15 ng umaga nang sumulpot sa likuran ang suspek na armado ng itak at bigla na lang pinagtataga ang biktima sa batok hanggang sa malugmok sa kalsada.
Matagal na umanong alitan ang dahilan ng suspek sa tangkang pagpatay sa biktima na nagpahayag pa na hindi niya pinagsisisihan ang ginawa at handa siyang panagutan ang kasong frustrated murder na isasampa ng pulisya laban sa kanya. Rene Manahan