Home METRO ABC prexy at 2 kasama, patay sa ambush

ABC prexy at 2 kasama, patay sa ambush

126
0

CAMP JUAN, Ilocos Norte – BUMUO na NG Special Investigation Task Group (SITG) Ilocos Norte police para sa mabilis na pagresolba sa pananambang patay sa barangay chairman at pangulo ng Association of Barangay Chairman (ABC) kasama ang dalawa nitong kasamahan kahapon, Oktubre 27 sa bayan ng San Nicolas.

Kinilala ni director Police Col. Frederick E. Obar ang mga nasawi na si PB Mark Adrian Paguirigan Barba, 39; ABC prexy at residente ng Barangay 6, San Juan Bautista, kasama nitong sina Raffy Ulep, 39 at driver na si Lord Wayne Gian Menor, 42.

Batay sa inisyal na report ng San Nicolas Police Station, bandang alas-2:45 AM naganap ang krimen sa sa Barangay 22, San Guillermo, San Nicolas, Ilocos Norte.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ni Menor ang Toyota Innova na may plakang NDA-8116 sakay ang dalawa ng bigla na lamang silang paulanan ng bala ng baril ng mga suspek saka mabilis na tumakas.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktima na naging sanhi ng kanilang kamatayan hanggang sa bumangga ang kanilang sasakyan sa nakaparadang Toyota Fortuner Sports Utility sa harap ng hotel.

Sinabi ng pulisya, na galing sa cockpit arena ang mga biktima at pauwi na sana ang mga ito sa kanilang tahanan.

Sa pagresponde ng mga tauhan ng Scene-of-the-Crime Operatives sa lugar ng pinangyarihan ng krimen nakapulot sila ng 40 na basyo na bala.

Kinondena naman ni San Nicolas Mayor Mike Hernando ang pananambang patay sa tatlo at hinimok ang pulisya na mapabilis ang pagresolba sa nasabing kaso at mabigyan ng hustisya ang pamilya.

Inaalam na rin ang tunay na motibo sa krimen. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here