Home METRO P18M marijuana nasamsam, suspek arestado

P18M marijuana nasamsam, suspek arestado

MANILA- NADAKIP ng mga awtoridad ang isang high-value individual (HVI) at nakuhanan ng higit sa P18 milyong halaga ng mataas na klase ng marijuana sa pinaigting na drug operation, iniulat kahapon, Oktubre 27 sa Balagtas, Bulacan.

Ayon kay Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PDEG) chief Brig. Gen. Eleazar Matta, nadakip ang hindi pinangalanang suspek at taga Marilao, Bulacan, bandang 3:15 p.m. sa Northville 6, Barangay Santol, Balagtas, Bulacan.

Nakuha sa suspek ang 24 na piraso ng heat-sealed transparent plastic packs na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana na may bigat na nasa 12 kilo at iba pang ebidensya.

“Our team’s successful operation has significantly disrupted drug distribution in the region, resulting in an arrest and substantial drug seizures,” ani Matta.

“This success not only affects the drug trade but also contributes to a safer and healthier community. We will continue to monitor and address this kind of illegal trade,” dagdag pa nito.

Kasalukuya nakakulong sa lock-up facility ng Balagtas Municipal Police Station ang suspek para sa pagsasampa ng karampatang kaso.

Iturn-over naman sa Bulacan Provincial Forensic Unit ang mga nakumpiskang marijuana sa laboratory examination habang ang ibang ebidensya ay nasa PDEG para sa tamang disposisyon. Mary Anne Sapico