Home NATIONWIDE Tulong ng Singapore sa mga nasalanta ng bagyong Kristine pinasalamatan ng Kamara

Tulong ng Singapore sa mga nasalanta ng bagyong Kristine pinasalamatan ng Kamara

174
0

MANILA, Philippines – Taos-pusong pasasalamat ang ibinigay ng liderato ng Kamara sa Singaporean government sa tulong na ipinaabot nito sa mga biktima ng bagyong Kristine, partikular ang mahalagang papel ng Singaporean Air Force.

Pinasalamatan ni House Speaker Romualdez sina Singapore President Tharman Shanmugaratnam at Ambassador to the Philippines Constance See sa pagpapagamit ng C-130 aircraft para makapaghatid ng tulong.

“Ang tulong na kanilang ipinadala, lalo na ang C-130 aircraft mula sa Singapore Air Force, ay magagamit natin sa mabilis na paghahatid ng relief goods sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng bagyo,” ani Romualdez.

“We truly appreciate this gesture. Singapore is a true friend of the Philippines,” dagdag pa ni Romualdez.

Nasa P411 milyong halaga ng tulong pinansyal ang unang ipinaabot ng Kamara sa 22 distrito at apat na party-list groups na apektado ng bagyo.

Nagpahanda rin ng 2,500 relief pack ang Office of the Speaker at Tingog Party-list para sa mga biktima.

Tiniyak ni Romualdez sa publiko na nananatiling nakasuporta ang Kamara sa recovery at rebuilding efforts ng pamahalaan. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here