Home METRO Mga armas ng NPA, nahukay

Mga armas ng NPA, nahukay

243
0

GATTARAN, Cagayan – Nahukay ng mga otoridad ang iba’t ibang mga gamit pandigma o armas na pagmamay-ari ng mga rebelde sa bulubunduling bahagi ng Brgy. Piña Este, Gattaran, Cagayan.

Ayon kay PCol. Mardito Anguluan, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office o CPPO, natunton ang kinaroroonan ng mga baril, bala, pampasabog, at iba pa sa pamamagitan ni Ka Junry, isang dating miyembro ng makakaliwang grupo na nagbalik loob sa pamahalaan.

Habang nagsasagawa umano ng combat operation ang mga otoridad sa lugar ay itinuro nito ang kinaroroonan ng mga gamit pandigma.

Narekober sa paghuhukay ang isang round grenade hand fragmentation, pitong rounds grenade rifle, dalawang rounds grenade rifle M76, walong rounds CTG 5.56mm Ball, 18 rounds CTG 7.62mm Ball; 6), limang rounds CAP Blasting Commercial, dalawang improvised explosive charge, isang unit ng 12 volts battery Imarflex.

Kabilang ang isang unit ng 9 volts battery, 10). 22 feet ng wire stranded, mga subersibong dokumento, isang unit ng improvised o converted M14, isang caliber 38, isang 12-gauge shotgun upper receiver, isang unit ng lower receiver for 12-gauge shotgun, isang unit ng hand guard, dalawang magazine ng caliber 7.62mm, isang magazine ng caliber 5.56mm, Assorted firearm parts, at iba pa.

Ang mga narekober na kagamitan at armas ng makakaliwang grupo ay nasa pangangasiwa na ng Cagayan Provincial Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit (Cagayan PECU) para sa tamang disposisyon. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here