Mahigit 20 lugar ang nanatili sa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 dahil bahagyang lumakas ang Severe Tropical Storm Leon habang kumikilos sa direksyong kanluran-hilagang kanluran at habang papalapit ito sa kategorya ng bagyo, ayon sa pinakabagong Tropical Cyclone Bulletin na nai-post ng PAGASA.
As of 4 a.m., ang sentro ng Leon ay tinatayang nasa 645 kilometers east ng Tuguegarao City, Cagayan na taglay ang maximum sustained winds na 110 kilometers per hour malapit sa gitna, pagbugsong aabot sa 135 kph, at central pressure na 975 hPa.
Kumikilos si Leon pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 10 kph na may malakas na hangin hanggang sa storm-force na umaabot palabas hanggang 640 km mula sa gitna.
“Ang tropical cyclone na ito ay inaasahang mabilis na tumindi sa buong pagdaan nito sa Philippine Sea at maaaring umabot sa kategorya ng bagyo sa loob ng susunod na 12 oras,” sabi ng PAGASA.
Kabilang sa 23 lugar na nakasailalim sa TCWS No. 1 ay ang:
Luzon
-Batanes
-Cagayan including Babuyan Islands
-Isabela
-Quirino
-Nueva Vizcaya
-Apayao
-Kalinga
-Abra
-Mountain Province
-Ifugao
-Benguet
-Ilocos Norte
-Ilocos Sur
-La Union
-Aurora
-northern portion of Quezon including Polillo Islands (General Nakar, Infanta, Real)
-Camarines Norte
-eastern portion of Camarines Sur (Tinambac, Siruma, Goa, Lagonoy, San Jose, Garchitorena, Caramoan, Presentacion, Tigaon, Calabanga, Saglay)
-Catanduanes
-eastern portion of Albay (Rapu-Rapu, Bacacay, City of Tabaco, Tiwi, Malilipot, Malinao, Santo Domingo, Manito)
-northeastern portion of Sorsogon (Prieto Diaz, City of Sorsogon, Gubat)
Visayas






