Home HOME BANNER STORY Get out of Davao or you will die! – Digong

Get out of Davao or you will die! – Digong

112
0

Mariing ibinabala ito ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sangkot sa droga sa kanyang lungsod sa balak nitong pagbabalik na mayor dito.

Matatandaang nag-file si Duterte ng kandidatura niya sa Davao City para sa darating na halalan sa 2025.

Sa pulong balitaan, iginiit ni Duterte na mabilis lamang ang panahon at sa oras na makabalik ito bilang Mayor sa Davao City ay sisiguraduhin nitong uubusin nito ang mga natitira pang sangkot sa iligal na droga.

“Peaceful na kase ang Davao, uupo ako Mayor tingnan niyo, Day 1 pa lang mauubos kayong mga sangkot sa iligal na droga. Get out of Davao or you will die. Stop the fucking drugs dahil yayariin ko kayo,” babala ni Duterte.

Kaugnay nito, ibinahagi naman ni Duterte na kaya naging epektibo ang “war on drugs” at napanatili ang kapanatagan at kapayapaan sa Davao City ay dahil suportado nito ang mga kapulisan.

“Kung gusto niyo maging epektibo ang pulis dapat suportahan. Noong panahon ko sa Davao, mayaman ang Davao kaya sinuportahan ko ang mga pulis. Wala suporta sa pulis, wala law and order at progress,” ayon kay Duterte.

Aniya, maraming nasagasaan sa ipinatupad na polisiya ni Duterte sa Davao kung saan karamihan dito ay mga kriminal.

Nang tanungin naman ito sa isyu na nagbabalik ang iligal na droga kung saan ilan sa mga politiko ang sangkot, sinabi nitong, “Alam ko pero dumidistansiya ako kasi retired na ako.”

Sinabi ni Duterte na wala na umano siya sa kapangyarihan kaya’t pinili na lamang nitong manahimik lalo na sa isyu ng iligal na droga. JAY REYES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here