MANILA, Philippines – Inilabas na ng Minor Basilica ng Quiapo ang bagong opisyal na logo at tema para sa Nazareno 2025.
Nitong nakaraang linggo, ibinahagi ng pamunuan ng Quiapo Church bilang hudyat na rin ng paghahanda para sa Kapistahan ng Mahal na Poong Jesus Nazareno sa susunod na taon.
Ang Nazareno 2025–Debosyon,Traslacion-Misyon ay may temang “Mas Mabuti ang Pagsunod kaysa Paghahandog” sa mga umaasa kay Jesus.
Ang Kapistahan ng Mahal na Poong Jesus Nazareno ay taunang ipinagdiriwang kung saan milyong deboto ang nagtutungo sa Quiapo upang magsimba at magdasal at sumama sa prusisyon o Traslacion.
Ipinagdiriwang ang Kapisatahan ng Nazareno tuwing ika-9 ng Enero. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)