Home NATIONWIDE Pangalan ng ex-DOH official ginagamit sa pag-promote ng pekeng gamot – DOH

Pangalan ng ex-DOH official ginagamit sa pag-promote ng pekeng gamot – DOH

MANILA, Philippines – Binalaan ng Department of Health (DOH) sa publiko kaugnay sa Facebook page na nagpapanggap bilang Philippine General Hospital at gumagamit ng pangalan ni dating Health Undersecretary Dr. Enrique Tayag.

Sa pahayag nitong Lunes, sinabi ng DOH na ang pekeng page ay nagpo-promote ng umanoy “blood vessel cleansing” na gamot para sa hypertension at iba pang sakit.

Iniulat na ng ahensya ang natrurang page sa Department of Information ang Communications technology para maalis ito sa online platforms.

Sinabi ng DOH na anumang mga pahayag, komento o transaksyon mula sa mga account na ito ay itinuturing na mapanlinlang at maaring magdulot ng mga kasong criminal.

Hinimok ng DOH ang publiko na kumuha lamang ng tmang impormasyon sa kanilang opsiyal na channels sa Facebook at X. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)