Home NATIONWIDE Biyahe sa ilang pantalan sa Bicol Region suspendido sa Bagyong Leon

Biyahe sa ilang pantalan sa Bicol Region suspendido sa Bagyong Leon

223
0

MANILA, Philippines – Suspendido pa rin ang byahe ng anumang uri ng sasakyan pandagat sa Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes at Sorsogon.

Sa abiso ng Philippine Coast Guard (PCG), ang Coast guard station ay naglabas ng kanya-kanyang anunsyo na pinagbabawalan pa ring maglayag ang mga sasakyang pandagat mula kahapon ng hapon dahil sa pagtataas ng babala ng bagyo ng PAGASA.

Kasama sa mga walang biyahe ang Prieto Diaz, Sorsogon City at Gubat sa Sorsogon.

Gayundin ang Caramoan, Presentacion, Goa,Tinambac Calabanga at iba pa sa Camarines Sur.

Ang pinapayagan lamang ay ang paglalayag ng mga sasakyan pandagat na patungo sa sheltering areas. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here