Home HOME BANNER STORY Paglipat ng ₱89.9B pondo ng Philhealth sa National Treasury hinarang ng SC

Paglipat ng ₱89.9B pondo ng Philhealth sa National Treasury hinarang ng SC

358
0

MANILA, Philippines- Pansamantalang pinigil ng Supreme Court ang paglilipat ng pondo ng PhilHealth papunta sa kaban ng gobyerno.

Sa SC En Banc resolution, naglabas ang korte ng temporary restraining order (TRO) upang hindi mailipat ang PhilHealth funds patungo sa national treasury.

Pinagsama-sama na rin ng SC ang mga petisyon ng 1SAMBAYAN Coalition sa petisyon nina Sen. Koko Pimentel at dating Bayan Muna Chairman Neri Colmenares.

Kinuwestiyon ng tatlong petisyon ang pagbabalik ng sobrang reserve funds ng government-owned and controlled corporations patungo sa national treasury upang pondohan ang unprogrammed appropriations.

Inatasan din ng SC ang House of Representatives at Malakanyang na maghain ng komento hinggil sa mga petisyon.

Binigyan lamang ng SC ang mga respondent ng 10 araw upang maghain ng kanilang komento.

Una nang nanawagan si Colmenares sa SC na magpalabas ng TRO hinggil sa isyu bago pa man ang pagdaraos ng oral argument sa usapin na itinakda sa Enero 14, 2025.

Una nang iginiit ng mga petitioner na ilegal at labag sa Saligang Batas ang paggamit ng ₱89.9 bilyong Philhealth fund para sa ibang government projects. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here