Home METRO P636M tax evasion buking sa ‘sikretong’ pabrika ng yosi

P636M tax evasion buking sa ‘sikretong’ pabrika ng yosi

MANILA, Philippines- Sinalakay ng mga tauhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) katuwang ang National Bureau of Investigation (NBI) ang isang large-scale secret factory ng mga ipinagbbaawal na sigarilyo sa Cabanatuan City.

Sa pahayag ng BIR, nasamsam sa kanilang isinagawang pagsalakay ang mga illicit cigarettes, mga kagamitan sa paggawa, at mga raw materials.

Tinataya ni BIR Commissioner Romeo D. Lumagui Jr. na ang tax liability para sa operasyon ay aabot sa tumataginting na P636.9 milyon.

Ayon sa BIR, maraming nakatagong pasilidad ang pabrika kung saan itinago ito bilang rest house, kabilang ang bunker at firing range.

Nabatid na nasa 15 Chinese national ang arestado kaugnay ng operasyon.

Sinabi ni Lumagui na walang tigil ang BIR sa paglaban sa ipinagbabawal na kalakalan.

Ang mga indibidwal na sangkot sa ipinagbabawal na operasyon ay nahaharap ngayon sa mga kaso dahil sa paglabag sa iba’t ibang probisyon ng National Internal Revenue Code (NIRC), kabilang ang labag sa batas na pag-aari, tax evasion, at pagkabigo na maghain ng kanilang tax returns. JR Reyes