Home NATIONWIDE Hawaan ng ubo at sipon sa evacuation centers lumalala – DOH

Hawaan ng ubo at sipon sa evacuation centers lumalala – DOH

193
0

MANILA, Philippines – Tumataas ang mga kaso ng mga indibidwal na nagkakaroon ng ubo at sipon sa mga evacuation centers matapos ang pananalasa ng bagyong Kristine, sinabi ng Department of Health (DOH).

Sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na ang medical teams sa evacuation centers ay binabantayan ang acute respiratory infection Lalo na sa mga bata at hinihikayat sila ba magdulot ng face masks upang makaiwas sa hawaan.

Sinabi ni Herbosa na binabantayan nila ang mga kaso ng diarrhea sa evacuation centers, aniya pa na nagbigay na ng water purification tablets sa mga pamilya upang masiguro na ligtas ang kanilang inuming tubig.

Sinabi ng DOH noong Linggo na inaasahang tataas din ang mga kaso ng leptospirosis sa loob ng susunod na dalawang linggo kasunod ng matinding pagbaha na dulot ni Kristine.

Nanawagan ang Health Department sa mga indibidwal na tumawid sa baha na agad na pumunta sa mga health center o kumunsulta sa mga doktor sa mga evacuation center para malaman kung kailangan nilang uminom ng antibiotic. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here