Home NATIONWIDE Taas-sahod sa W. Visayas, aprubado!

Taas-sahod sa W. Visayas, aprubado!

169
0

MANILA, Philippines – Asahan na ang pagtaas sa umento ang mga pribadong sektor sa Western Visayas Region sa kalagitnaan ng Nobyembre, sinabi ng Department of Labor ang Employment (DOLE) nitong Martes.

Sinabi ng DOLE na ang Western Visayas regional wage board ay inaprubahan ang P33-P40 daily wage increase para sa private sector workers sa rehiyon.

Para sa non-agriculture workers sa commercial o industrial businesses na may manggagawang mahigit sa 10 manggagawa, ang aprubadong wage hike ay P33 , na magdadala sa minimum wage para sa sector sa P513 mula P480.

Ang mga manggagawa sa mga negosyong nagpapatrabaho ng 10 manggagawa o mas kaunti ay tatanggap ng P35 na umento, na magdadala sa kanilang araw-araw na sahod sa P485 mula sa P450.

Ang mga manggagawang pang-agrikultura naman ay makakakuha ng P40 na umento na magdadala sa kanilang araw-araw na sahod sa P480 mula sa P440.

Inaprubahan na rin ang P1,000 monthly increase para sa ‘kasambahay’ sa rehiyon na magdadala sa monthly minimum wage na P6,000.

Ang wage orders ay ilalathala sa Nob.1 at magkakabisa sa Nob.17

Ang mga bagong rates para sa mga manggagawa sa pribadong sektor ay isinasalin sa 7 hanggang 9 na porsiyentong pagtaas mula sa umiiral na pang-araw-araw na minimum na sahod sa rehiyon.

Inaasahang direktang makikinabang ang 193,032 minimum wage earners. Humigit-kumulang 300,252 na full-time wage at salary workers na kumikita ng higit sa minimum na sahod ay maaari ding hindi direktang makinabang bilang resulta ng mga pataas na pagsasaayos sa antas ng negosyo na nagmumula sa pagwawasto ng wage distortion.

Ang dagdag sahod para sa mga kasambahay ay inaasahang makikinabang din sa kabuuang 160,795 kasambahay. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here