BATANGAS – Dalawampu’t isang bahagi ng kalsada sa Batangas ang nananatiling hindi madaanan dahil sa Severe Tropical Storm Kristine, ayon sa Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).
Nananatiling nakabukod ang ilang barangay matapos masira ang isang bahagi ng Talisay-Laurel-Agoncillo Road dahil sa putik at mga natumbang puno.
Sinabi ng mga residente na nakahiwalay ang dalawang barangay at isang sitio sa bayan ng Agoncillo dahil nasira rin ang isang kalsada sa Laurel.
Sinabi ng mga residente na mayroong dalawang paraan upang marating ang sentro ng Agoncillo: sa pamamagitan ng mga bangkang kahoy sa lawa o sa pamamagitan ng paglalakad sa maputik na mga dalisdis sa paanan ng bundok.
Ipinagbabawal pa rin ang mga residente na bumalik sa kanilang mga tahanan ngunit ang ilan ay napilitang bumalik upang maghanap ng pagkain.
Mahigit 2,00 bahay ang lubhang nasira sa Batangas. Ilang kabuhayan din ang naapektuhan, tulad ng floating fish cage.
Patuloy ang clearing operation sa Batangas.
Ayon sa National NDRRM Council, umakyat na sa 125 ang mga nasawi dahil sa Kristine at Bagyong Leon. RNT