Home NATIONWIDE $1.5M ayuda ibinigay ng US sa mga biktima ni Kristine

$1.5M ayuda ibinigay ng US sa mga biktima ni Kristine

212
0

MANILA, Philippines – TINATAYANG aabot sa P84 milyong piso o $1.5 million ang ibibigay ng gobyerno ng Estados Unidos para tulungan ang gobyerno ng Pilipinas para sa ‘relief at response measures’ nito para sa mga biktima ng Severe Tropical Storm Kristine.

Ang nasabing halaga ay idaragdag sa nagpapatuloy na pagsisikap ng US Agency for International Development’s (USAID) na maghatid ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Kristine, partikular na sa Bicol Region at Batangas.

Ayon sa US Embassy in Manila, kabilang sa popondohan ay ang mga mahahalagang servisyo gaya ng malinis na tubig, sanitation, emergency shelter, at cash assistance.

Magbibigay din ang gobyerno ng Estados Unidos ng logistical support pagdating sa pamamahala ng evacuation centers.

Nagpahayag naman ng kanyang pakikidalamhati si US Ambassador MaryKay Carlson sa mga naapektuhan ng bagyong Kristine.

“My heart goes out to all those suffering the devastating effects of Tropical Storm Kristine,” ang sinabi ni Carlson.

“We are working side by side with the Philippine government to bring relief to communities in need,” aniya pa rin.

Simula Oktubre 25, nakikipagtulungan na ang US government sa humanitarian partners nito para ihatid ang lifesaving humanitarian relief material na naka-preposition sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Nito lamang araw ng Lunes, Oktubre 28, may 116 katao ang naiulat na nasawi dahil sa bagyong Kristine, base sa data ng pamahalaan.

Winika naman ng mga awtoridad na may 39 indibiduwal ang iniulat na nawawala at 109 na iba naman ang iniulat na nasugatan. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here