INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine Statistics Authority (PSA) na i- monitor ang progreso ng “Walang Gutom 2027: Food Provision sa pamamagitan ng Strategic Transfer and Alternative Measures Program (Food Stamp) program.
Ito ay isa sa flagship program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na naglalayong bawasan ang insidente ng involuntary hunger sa hanay ng low-income households at gawin itong mas produktibo sa mga mamamayan ng bansa.
Sa isang Facebook post, tinukoy ni Pangulong Marcos ang 2023 poverty statistics ng PSA, nagpapakita na ang bilang ng food-poor families ay bumaba mula 1 million noong 2021 sa 700,000 noong 2023.
“With 182,771 families now receiving monthly food credits, I’ve asked the agency to closely monitor and report the Walang Gutom Food Stamp program’s impact. That way, we can keep on improving to reach our goal of supporting one million households by 2027,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“We’re on a determined path to ensuring that no Filipino goes hungry,” aniya pa rin.
Matatandaang October 2023, nagpalabas ang Malakanyang ng isang executive order na nagdedeklara ng “Walang Gutom 2027: Food Stamp Program” bilang flagship program ng national government.
Tinintahan naman ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Executive Order (EO) No. 44, noong October 12, nagtatag ng food stamp program bilang major government initiative.
At upang matiyak ang matagumpay na implementasyon ng programa, inatasan ang DSWD na tukuyin ang eligible beneficiaries at makipag-ugnayan sa mga kaugnay na stakeholders para siguruhin na episyente at napapanahon ang distribusyon at paggamit ng food stamps. Kris Jose