Home NATIONWIDE 251K workers sa Bicol, Calabarzon sapul ng hagupit ni Kristine

251K workers sa Bicol, Calabarzon sapul ng hagupit ni Kristine

180
0

MANILA, Philippines – Higit sa 251,000 manggagawa sa Bicol at Calabarzon region ang matinding naapektuhan ng bagyong Kristine ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Sinabi ni Labor Secretary Benjo Benavidez na ang mga nawalan ng trabaho na mga manggagawa ay mula sa probisnya ng Batangas,Quezon,Laguna,Albay,Camarines Sur at Norte.

Sinabi ni Benavidez na nakatutok ang TUPAD program na ibibigay sa mga displaced workers.

Ayon pa kay Benavidez,higit 83,000 workers sa region V (Bicol) ang makikinabang mula sa TUPAD program.

Bukod sa TUPAD, ang DOLE ay magbibigay din ng livelihood assistance na P50,000 para sa apektadong pamilya na gusting magtayo ng sariling negosyo.

Upang makapag-apply, ang mga karapat-dapat na indibidwal ay kailangang naapektuhan ng bagyo at magsumite ng project proposal na susuriin ng labor department.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Managemnt Coucnil (NDRRMO), pumelo na sa 145 ang iniulat na nasawi dahil sa bagyong Kristine at Leon.

Naapektuhan ng dalawang magkasunod na bagyo ang kabuuang 7,033,922 indibidwal o 1,788,630 pamilya sa 17 rehiyon ,karamihan sa kanila ay sa Bicol na nasa 2,343,175 na sinundan ng central Luzon na may 1,061,766 at Calabarzon na may 752,793. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here