Tarlac – Nagsagawa ng inspeksyon ang mga pulis Tarlac sa mga outpost sa nasasakupan nito, base na rin sa mga patakaran at direktiba ng Philippine National Police (PNP).
Sa nasabing inspeksyon, ipinakita ni PCOL Miguel M. Guzman, Provincial Director, Tarlac Police Provincial Office at kanyang mga kasama ang kanilang pagpapahalaga sa seguridad at kapakanan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagsugpo sa kriminalidad at pagpapanatiling tahimik at maayos ang mga komunidad sa Tarlac.







