Home METRO Habang nagtutulak ng kariton: Menor, ginulpi, tinutukan ng patalim sa Malabon

Habang nagtutulak ng kariton: Menor, ginulpi, tinutukan ng patalim sa Malabon

1
0

MALABON CITY, Philippines – Inaresto ng pulisya ang 41-ayos na tricycle driver nang gulpihin at tutukan pa ng patalim ang isang menor de edad na nagtutulak ng kariton sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Sa nakarating na ulat kay Malabon police chief P/Col. Kenneth Mission, nagtutulak ng kariton na may kargang soft drinks ang 17-anyos na biktima nang aksidenteng masagi ang tricycle na minamaneho ng suspek sa isang eskinita sa Brgy. Sa Agustin pasado alas-5:00 ng hapon.

Nagalit umano ang suspek at kaagad pinagmumura ang binatilyo na sa takot ay nagtangkang umiwas palayo subalit, hinabol pa rin siya ng trike driver.

Nang maabutan, kinuwelyuhan ng suspek ang binatilyo, pinagsusuntok sa mukha, at tinutukan ng patalim habang tinatakot at pinagsasabihan na huwag maging kampante sa kanilang lugar.

Nagsumbong naman sa kanyang kamag-anak ang biktima nang makauwi kaya sinamahan siya ng mga ito sa tanggapan ni P/Cpt. Marcelo Agarin, , Acting Sub-Station 6 Commander na nanguna sa pagdakip sa suspek, katuwang ang mga barangay tanod.

Mahaharap ang suspek sa reklamong pananakot, pananakit at paglabag sa R.A. 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act sa Malabon City Prosecutor’s Office. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here