Home NATIONWIDE DA magbibigay ng P1-B suporta sa pagsasaka ng kape sa NorMin

DA magbibigay ng P1-B suporta sa pagsasaka ng kape sa NorMin

154
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) ng hindi bababa sa PHP1 billion ang suporta para sa coffee farming industry, na nakatuon sa mga magsasaka sa Northern Mindanao.

Sa kanyang pagbisita sa Bukidnon Integrated Coffee Center sa Malaybalay City, noong Martes, sinabi ni DA Secretary Francisco Laurel Jr. na hihingi siya ng karagdagang budget allocation mula kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Kaugnay nito nais aniya ng DA na bawasan ng 10 hanggang 15 porsiyento ang taunang pag-import ng butil ng kape ng bansa.

“Kailangan natin ng kahit dagdag na 30,000 ektarya para sa pagsasaka ng kape, na sana ay ma-secure natin,” sabi ni Laurel.

Samantla habang nasa Bukidnon, namahagi din si Laurel ng mga input at suporta sa 16 na asosasyon ng mga magsasaka ng kape na kasangkot sa Mindanao Robusta Coffee Project, isang pakikipagtulungan sa pagitan ng DA at multinational food and beverage company na Nestlé Philippines.

Sinabi ni Jose Uy III, ang pinuno ng corporate affairs ng Nestlé, na nangangailangan ang Pilipinas ng humigit-kumulang 400,000 metric tons ng coffee beans bawat taon, kung saan ang Nestlé ay gumagawa ng humigit-kumulang 40,000 metric tons sa lokal upang matugunan ang pangangailangan ng Pilipinas.

Humigit-kumulang 80 porsiyento ng mga produktong kape ng Nestlé ay galing sa Mindanao.

Inaprubahan kamakailan ng pamahalaang panlalawigan ng Bukidnon ang isang roadmap ng industriya ng kape upang higit pang mapalakas ang produksyon at pagpapanatili sa rehiyon. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here