Home ENTERTAINMENT Miss Myanmar, binawian ng korona sa Miss Grand International!

Miss Myanmar, binawian ng korona sa Miss Grand International!

227
0

Bangkok, Thailand – Opisyal na binawi ng Miss Grand International Organization ang title ng 2nd runner-up kay Thae Su Nyein ng Myanmar.

Sa kanilang opisyal na mga social media page, nabanggit ng pageant organizer na maraming nilabag na regulations ang representative ng Myanmar.

“The Miss Grand International Organization has decided to revoke the title of 2nd Runner-Up from Miss Grand Myanmar 2024, Ms. Thae Su Nyein, due to inappropriate behaviors and actions that violated several regulations,” sey ng organization.

Sa nakaraang press conference na ginawa sa Movenpick Sukhumvit 63 ng Bangkok, ang founder at president ng MGI na si Nawat Itsaragrisil ay nagbitiw ng salitang dapat ay gumawa na lang ng sariling pageant si Thae kung saan siya ang pwedeng magwagi.

Lifetime ban ang ipinataw ni Nawat sa national director na si Htoo Ant Lwin dahil sa “lack of sportsmanship and business credibility”.

Inakusahan ni Htoo si Nawat na nilako ang korona for $25,000 at tumanggap daw ito diumano ng pera mula sa Indonesian pageant officers. Trixie Dauz

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here