Home NATIONWIDE Seguridad sa Manila North Cemetery hinigpitan naNATIONWIDETOP STORIES Seguridad sa Manila North Cemetery hinigpitan naOctober 30, 2024 13:001310 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Ilang araw bago ang Undas ay nagpatupad na ng paghihigpit sa seguridad sa loob at labas ng Manila North Cemetery (MNC).Sa entrada pa lamang ng sementeryo, may mga barikada at tolda nang itinayo.May mga lamesa na ring inilagay para inspeksyunin ang mga dala-dalang gamit ng mga bibisita at papasok sa sementeryo.Katuwang ang mga force multipliers, nagpakalat ng halos 400 tauhan ang MPD para magbantay sa loob at labas ng MNC.Nakapwesto na rin ang advance command post ng MPD na kumpleto sa mga gamit para sa komunikasyon, koordinasyon at monitoring sa sitwasyon.Bawal na ring makapasok ang anumang uri ng sasakyan gayundin ang pagpaparada sa entrance at exit ng sementeryo.Mayroon namang mga libreng sakay para sa mga senior citizens, buntis at PWDs.Inilipat na rin ang mga vendors na naka-pwesto sa harap ng Manila North Cemetery. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)