Home METRO 2 tulak nalambat, P.6M shabu nasabat sa P’que buy-bust ops

2 tulak nalambat, P.6M shabu nasabat sa P’que buy-bust ops

126
0
(c) Jimmy Hao

Sa ikinasang joint buy-bust operation ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region (PDEA-NCR) at ng Southern District Office ay nadakip ang dalawang hinihinalang drug pushers na nakuhanan ng halagang P600,000 shabu sa Paranaque City Martes ng gabi, Oktubre 29.

Sa report na nakalap sa PDEA-NCR ay nakilala ang mga inarestong suspects na sina alyas Baku, 31, at isang alyas Majo 32, kapwa residente ng Barangay Bayanan, Muntinlupa City.

Base sa isinagawang imbestigasyon, nadakip ang mga suspects dakong alas 9:15 ng gabi sa Elysse Condominium, Brgy. Moonwalk, Paranaque City.

Sa ikinasang operasyon ay narekober sa posesyon ng mga suspects ang isang kulay asul na Eco Bag na may aluminum foil na ipinambalot sa transparent plastic bag na naglalaman ng 500 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P600,000.

Kabilang din sa mga nakumpiskang non-drug evidence sa mga suspects ay ang isang cellular phone, Girsan 9mm pistol at magazine na kargado ng 16 bala, Toyota Fortuner na may plate number UIO 834, luggage bag at ang P1000 buy-bust money na nakapaibabaw sa boodle money.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (Illegal Possession of Firearm and Ammunitions) ang mga suspects sa Paranaque City Prosecutor’s Office. (James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here