Home NATIONWIDE Kaso ng TB sa buong mundo lumala!

Kaso ng TB sa buong mundo lumala!

160
0

Nakapagtala ng 8.2 milyong bagong kaso ng tuberculosis na-diagnose sa buong mundo noong nakaraang taon, sabi ng World Health Organization—ang pinakamataas na bilang mula noong sinimulan nito ang global TB monitoring noong 1995.

Sinabi ng WHO na ang Global Tuberculosis Report 2024 nito, na inilabas noong Martes, ay nagha-highlight ng “halo-halong pag-unlad sa pandaigdigang paglaban sa TB, na may patuloy na mga hamon tulad ng makabuluhang kakulangan sa pondo.”

Habang ang bilang ng TB-related deaths ay bumaba mula 1.32 milyon noong 2022 sa 1.25 milyon noong nakaraang taon, ang kabuuang bilang ng indibidwal na nagkaroon ng nakakahawanhvsakit ay tumaas mula 7.5 milyon Hanggang 8.2 milyon.

Gayunman, hindi lahat ng bagong mga kaso ay nasuri at tantya ng WHO na nasa 10.8 milyong indibidwal ang nagkaroon ng naturang sakit noong nakaraang taon.

Ang pagtaas ng mga kaso sa pagitan ng 2022 at 2023 ay higit na sumasalamin sa pandaigdigang paglaki ng populasyon, ayon sa ulat.

Noong nakaraang taon, ang rate ng insidente ng TB ay 134 na bagong kaso sa bawat 100,000 tao—isang 0.2-porsiyento na pagtaas kumpara noong 2022.

Limang bansa ang may pinakamaraming kaso ng TB sa buong daigdig kabilang rito ang India, Indonesia, China,Pilipinas at Pakistan.

Sinabi ng WHO na ang makabulihang bilang ng bagong kaso ng TB ay bunsod ng limang pangunahing risk factors: undernutrition, HIV infection, alcohol use disorders, diabetes, at Lalo na sa mga kalalkihan –ang paninigarilyo. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here