MANILA, Philippines – Natapos na ng Miru System Company Limited ang paggawa sa 110,000 na mga automated counting machine na gagamitin sa 2025 Midterm election.
Ito ayon sa Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes.
Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na nasa Port of Busan na sa South Korea ang naturang mga makina at ito ay handa nang bibyahe patungo dito sa Pilipinas.
Ayon kay Garcia mas maagang natapos ng Miru System Company Limited kesa sa itinakdang panahon.
Pagdating dito sa Pilipinas, dadalhin muna ito sa warehouse ng Comelec sa Laguna at kalaunan ay isasaalang sa testing kaharap ang mga election watchdog Pati na hanay ng media.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)