BATAAN, Philippines – Timbog sa mga awtoridad ang isang high value individual (HVI) at masabat sa suspek ang nasa mahigit P2.1 Milyon halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buybust operation ng pulisya sa Barangay Alangan, Limay.
Batay sa ulat ni Limay Municipal Police Station Chief of Police Major Jimmy Albert A.Decin Kay Central Luzon Police Director Brigadier General Jess Mendez.
Naaresto ang suspek matapos umanong maaktuhang nagbenta ng shabu sa undercover police.
Narekober sa suspek ang nasa mahigitĀ 310 grams ng suspected shabu may standard drug price ng higit P2.1 Milyon at ang marked money na ginamit sa buybust.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROEL TARAYAO)