Home NATIONWIDE Usurpation, libel posible sa Blue Ribbon hearing ng Cayetano bloc – Malakanyang

Usurpation, libel posible sa Blue Ribbon hearing ng Cayetano bloc – Malakanyang

2
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Malakanyang na mayroong malinaw na “usurpation of authority” sa tinatawag na Blue Ribbon Committee hearing na isinagawa ng Cayetano bloc, araw ng Huwebes.

“May usurpation of authority, tapos yung mga nagsalita diyan — hindi yan official — pwedeng makasuhan yan ng libel…,” ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.

Sa gitna ng posibilidad ng legal na reklamo, nauna nang sinabi ni Sen. Alan Peter Cayetano na hindi isyu sa kanya kung maharap man sa potensyal na kaso.

“Pero OK sa inyo baguhin yung Senado? OK sa inyo wag ilabas yung totoo sa flood control?,” ang sinabi ng senador.

Giit ni Cayetano, nagpahayag na siya ay nananatling Senate president, siya at ang kanyang mga kaalyado ay hindi dadalo sa plenary sessions upang masiguro na ang pagdinig noong nakaraang Huwebes ay magtutuloy.

Natigil lamang ang kanilang trabaho nang magpakita sa session hall si Sen. Francis Escudero, araw ng Miyerkules, ang pagkakaroon ng quorum para sa mga senador na magdaraos ng plenary session na nakikitang ang deklarasyon ng liderato ay bakante.

Ito ang dahilan para ihalal si Sen. Sherwin Gatchalian bilang Senate president pro tempore. Si Gatchalian ay tumatayong acting Senate president simula nang hindi maghalal ng isa ang bloc.

Samantala, nilinaw naman ng Malakanyang na bahala na ang law enforcement agencies na pag-aralan ang potensiyal na kaso at paghahain ng kaso kung kinakailangan.

“Ang daming trabaho ng pangulo para intindihin pa yan, alam naman niya na hindi nagsasabi ng totoo yan. Unang-una ang daming butas, alam niyo yung kwento ng 18 basureros o 18 maleta boys parang pinagtahi-tahi kung ano lang masabi,” ang pahayag ni Castro. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here