Home HOME BANNER STORY 3rd Remate Open Championships, gumulong na

3rd Remate Open Championships, gumulong na

2
0

MANILA, Philippines – Pormal nang binuksan ni Remate Bowlers Club at Manila Tenpin Bowlers’ Association (MTBA) President Benny Antiporda ang magarbo, pinalakas at pinasayang 3rd Remate Open Championships sa Playdium Bowling Center sa G. Araneta Avenue, Quezon City.

Nagsimula ang event nitong Nobyembre 28 at tatagal hanggang December 6, 2026 na may layuning makadiskubre ng mga mahuhusay na manlalaro ng bowling na pwedeng itapat o isabak sa mga prestihiyosong local at international na competition.

Sa kanyang opening remarks, mariing hiniling ni Antiporda sa mga lumahok sa competitions na laging suportahan ang bawat associations tournament.

“Suportahan natin ang ating mga kasama at lahat ng associations tournament,” ani Antiporda.

Pinakinang din ang programa nina bowling superstar at bowling legend Paeng Nepomuceno, Benjamine Antiporda, Benny Dytoc, Juncky Tabora, Bean Antiporda, Archie Pertez, representatives ng bawat bowling associations na kalahok at marami pang VIP na guests.

Pinasalamatan ni Antiporda ang mga sponsor na walang sawang sumusuporta sa Remate Open Championships sa pangunguna ng Friends in Bowling, Lions, Senator Raffy Tulfo, Buong Pusong Pasasalamat sa PBF, Brian Yamsuan , Happy Bowlers Group, Dennis Hain, Mark U Bearing Center, Junky Tabora of Sta Lucia East Tenpin Bowling Association (SLETBA), Steve Robles of Philippine Senior Bowlers, Scott Tan of Vickings, QC 1st district Representative Arjo Atayde, Senator Erwin Tulfo, Benito “Benny” Techico, David Ong Seascape, Willie lim Bowlkadas, Valiant, U&I, at UBL.

Magsasagupa ang mga kalahok sa Mixed Super Senior Masters, Classified Masters, Mixed Senior Open Masters, Mixed Novice Masters, Ladies Masters, at Mixed Masters.

May nakalaang naglalakihang premyo ang mga magwawagi sa laban kung saan sa ibang kategorya ay mabibigyan ng premyo hanggang 8th place habang sa Ladies at Mixed Novice ay tatanggap ng premyo sa hanggang 5th place.

Mag-uuwi naman ng cash prize na P30,000 ang may perfect game, na hahati-hatiin sa lahat ng magwawagi.

Samantala, nagpatikim agad ng bangis at agad na sinakmal ang kampeonato sa Trios event ng Team Remate (1864) sa pangunguna ng Trio nina Bea Antiporda, Albert Nace at Matt Barredo na tatanggap ng P12,000 cash prize.

Naibulsa naman ng TBAM (1860) sa pangunguna nina Vincent Jao, Rochelle Munsayac, Bryan Gabay ang 2nd place ng event at tatanggap ng premyong P9,000 habang hinirang na na 3rd na may P6,000 cash prize ang Team Henrich (1764) na binubuo nina Michael Sia, Vener Reasonda, at Marlon Sia.ARCHIE PERTEZ

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here