CAVITE, Philippines – Arestado ang apat na katao matapos salakayin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), katuwang ang Cavite Police at Cavite Maritime Police Station, ang isang hinihinalang drug den sa buy-bust operation sa Barangay Panapaan IV, Bacoor City, Cavite.
Ayon sa ulat, isinagawa ang operasyon dakong alas-10:45 ng gabi sa Paraiso Compound sa nasabing barangay.
Kinilala ang mga naaresto sa mga alyas na Roberto, 54; Jonny, 44; Borja, 41; at Jasperkin, 39, na pawang residente ng lugar.
Nakumpiska sa operasyon ang tinatayang 10 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P68,000, iba’t ibang drug paraphernalia at buy-bust money.
Nahaharap ang apat na suspek sa mga kasong paglabag sa Sections 5, 6, 7, 11, 12 at 15, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Margie Bautista