MANILA, Philippines – Kasabay ng pagbati ng kalihim ng estado ng Vatican kay US president-elect Donald Trump noong Huwebes ay nagpahayag ng pag-aalinlangan na may “magic wand” ang Republikano upang mabilis na wakasan ang mga salungatan gaya ng ipinangako noong kampanya.
“We wish him a lot of wisdom because that is the main virtue of leaders according to the Bible,” sinabi ni Italian Cardinal Pietro Parolin sa isang kumperebsya sa Roma.
Nang tanungin ang pangako ni Trump na wakasan ang digmaan sa Ukraine sa loob ng 24 Oras– ang naging tugon ni Parolin ay “Let’s hope, let’s hope. I believe that not even he has a magic wand.”
“To end wars, a lot of humility is needed, a lot of willingness is needed, it really is necessary to seek the general interests of humanity rather than concentrate on particular interests,” aniya.
“To overcome divisions in American society, Parolin said he hoped Trump would be “the president of the whole country,” dagdag pa niya.
Inaasahan din ni Parolin na siya ay “isang kadahilanan na nagpapababa ng tensyon… sa kasalukuyang mga salungatan.”
Ang mga komento ni Parolin ay ang unang diplomatikong reaksyon mula sa Holy See sa pagkapanalo ni Trump para sa White House laban kay Democrat Kamala Harris. Wala namang reaksyon si Pope Francis.
Noong Setyembre, pinuna ng Argentine papa ang parehong mga kandidato, inakusahan silang “laban sa buhay” sa iba’t ibang paraan: para sa suporta ni Harris sa aborsyon, at para sa mga patakarang anti-migrante ni Trump.
Sa kanyang unang termino sa White House, noong Mayo 2017, si Trump ay tinanggap ng Papa sa Vatican para sa kalahating oras na pagpupulong. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)