Home ENTERTAINMENT Lance Raymundo, may patama sa mga politiko?

Lance Raymundo, may patama sa mga politiko?

2
0

Manila, Philippines – After 11 years ay nagbabalik ang kanta ni Lance Raymundo titled “Fatanas.” Ito’y via the mobile game (RPG) with the same title.

Ito’y mula kay Doc Mike Aragon at bukod sa mobile game ay  magkakaroon ito ng vertical movie series.

Si Doc Mike ang co-manager nina Lance, Rannie Raymundo, Chase Romero, at Ali Forbes sa Viva Artists Agency. Siya ay producer ng “WPS” series, founder ng KSMBPI (Kapisanan ng Social Media Brodkaster ng Pilipinas), at Media Affairs head ng Knights of Rizal all over the world.

Anyway, sa Fatanas mobile game ay tampok sina Lance bilang Commander Wolf; Rannie bilang Commander Barako; Chase as Princess Rome, at Ali bilang Phantom.

Ang nasabing mobile game ay prodyus in collaboration with Rizal Media, OPC.

Ang kantang Fatanas ba ay patama sa politiko?

Tugon ni Lance, “Iyong Fatanas I wrote it in 2011, may music video siya at naging controversial ito noong 2011 kasi may mga happenings sa bansa na akala nila iyon ang tinutukoy ko. Pero actually iyong Fatanas, personal na kanta ko lang iyon againts sa frustration ko as a Filipino. Na imbes na umunlad tayo, we move forward… ay maraming mga sakim, maraming suwapang na pangsarili lang ang ginagawa.

“For me, yung selfishness, kasakiman, corruption ay gawa ng demonyo, hindi ba? Parang symbolic lang, na pasok lang nang pasok ng pera at walang kabusugan, kaya lumolobo ka, kaya naging Fatanas (fat na Satanas)…

“Not an insult for fat people, especially nowadays, kasi may body positivity, hindi ba? Noong 2011 ay wala pa iyon noon e, hindi ito body shaming…

“So, si Doc Mike ang nag-suggest tungkol sa isang project, na feeling niya ay bagay ang song kong Fatanas. Ako naman, why not? Kasi nga, nakita ko rin yung pakay niya, kung bakit gusto niyang gamitin iyong kanta. So, ibinigay ko yung song.”

Dagdag pa ni Lance, “So, hindi ito patama sa sino mang politiko, no one in particular. Bale, in general iyon, kasi, lahat naman tayo ay may tendency na maging makasarili, hindi ba? Even as a friend or as a family man… As human being, talagang lahat tayo ay may temptation na somehow ay maging makasarli.

“So, iyon ang pinatatamaan ko, not one person in particular. Lahat ng tao na puwedeng ma-temp, hindi lang politiko… puwedeng negosyante or student. May mga nambu-bully na student, o kaya yung matatalino, bakit hindi niya i-tutor ang mga classmate niya para sabay-sabay silang umunlad? So, it’s for every one.” Nonie Nicasio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here