Home OPINION PAG-IBIG FUND ONLINE SHOPPING NG MGA ARI-ARIAN, INILUNSAD NA!

PAG-IBIG FUND ONLINE SHOPPING NG MGA ARI-ARIAN, INILUNSAD NA!

151
0

OPISYAL na inilunsad ng Pag-IBIG Fund ang Pag-IBIG Acquired Assets Online Public Auction (OPA) noong Biyernes (Nobyembre 15), na nagpapahintulot sa mga bumibili ng bahay na maginhawang pumili mula sa mga ari-arian ng Pag-IBIG Fund para ibenta at isumite ang kanilang mga bid gamit ang online platform. Nasaksihan ng inyong Agarang Serbisyo Lady ang pahayag ng mga nangungunang opisyal ng IBIG Fund noong nakaraang ika-15 ng Nobyembre.

Ang paggamit nang anomang device na may koneksyon sa internet, maaaring magparehistro ang mga bumibili ng bahay para sa kanilang permanenteng Buyer ID at tuklasin ang mga available na property. Kung kayo ay napupusuan na property, hindi na kinakai­langang bumisita sa isang sangay ng Pag-IBIG. Ang feature na “Idagdag sa Cart” ay nagbibigay-daan din sa buyer na isumite ang kanilang mga bid sa maraming property sa isang click lang.

Ayon kay Secretary Jose Rizalino L. Acuzar, na namumuno sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at ng 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees, “The OPA is Pag-IBIG Fund’s response to the government’s call to be innovative in the approach to making homeownership more accessible to Filipino workers. Through this new platform, we hope to make the process of buying Pag-IBIG Fund’s acquired assets convenient and more accessible.”

Binigyang-diin ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Mari­lene Acosta, sa mismong araw ng paglulunsad, ang Fund’s commitment sa digitalization at pag-capitalize sa teknolohiya para makapagbibigay ng mas pinabuting serbisyo na maaaring maialok sa miyembro.

“We are in the digital age. The OPA is part of our continued commitment to harness technology, with the ultimate objective of helping the Filipino worker achieve their dream of homeownership,” dagdag pa ni Acosta.

Ang mga gustong mag-bid nang mano-mano ay maaari pa ring gawin ito hanggang Disyembre 31, 2024. Magiging epektibo ang buong pagpapatupad ng OPA sa Enero 1, 2025 para sa Una (1st) at Pangalawa (2nd) Public Auction, habang ang OPA para sa negotia­ted sale ay ilulunsad sa loob ng Nobyembre ngayong taon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here