Home NATIONWIDE Groundbreaking ng pinakamalaking solar farm project sa Luzon pinangunahan ni PBBM

Groundbreaking ng pinakamalaking solar farm project sa Luzon pinangunahan ni PBBM

230
0

MANILA, Philippines – PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Huwebes, Nobyembre 21 ang groundbreaking ceremony ng “Meralco Terra Solar Project,” kinokonsidera ito bilang pinakamalaking ‘integrated solar at battery storage facility sa buong mundo.

Sa naging talumpati ng Pangulo sa naturang seremonya sa Gapan City, Nueva Ecija, binigyang-diin ng Chief Executive ang kahalagahan ng solar project na inaasahan na magsusuplay ng kuryente sa mahigit sa dalawang milyong kabahayan at bawasan ang carbon emissions sa oras na maging ganap na naisagawa na ito sa loob ng tatlong taon.

Matutugunan din nito ang lumalagong demand para sa elektrisidad at ang ‘urgent need to transition to sustainable energy’ ng Pilipinas.

“Once fully operational by 2027, this facility will deliver 3,500 megawatts peak of solar power to the Luzon grid, with 4,500 megawatt-hour battery energy storage,” ayon sa Pangulo.

“This project will energize over 2 million households and reduce carbon emissions by more than 4.3 million metric tons annually. To put that into perspective, it is equivalent of removing 3 million gasoline-powered cars from our roads—decisive action towards helping address global warming and climate change.” aniya pa rin.

Saklaw ng proyekto ang 3,500 ektarya ng Nueva Ecija at Bulacan.

“Initially, it will be connected to the existing 500-kiloVolt (kV) Nagsaag-San Jose Transmission Line and later linked to the upcoming 500-kV Nagsaag-Marilao Transmission Line,” ayon sa Pangulo.

Maliban sa magiging pakinabang ng mga lokal na residente, winika ni Pangulong Marcos na ang proyekto ang maglalagay sa Pilipinas bilang lider sa renewable energy. Inaasahan na makalilikha ito ng mahigit sa 10,000 job opportunities, mapalakas ang lokal na ekonomiya at makapagbubukas ng pinto para sa paglago at pag-unlad ng bansa.

Inihayag pa ng Pangulo na ang P200 billion investment para sa proyekto ay “demonstrates confidence in the stakeholders’ sa potensiyal ng bansa at kanilang commitment para tiyakin ang ‘stable, steady, at reliable power supply.’

“Over the next decade, it is poised to generate nearly P23 billion in financial benefits—resources that will pave the way for even greater progress. The impacts and advancements of this project are amongst those that we envisioned when I spoke about energy in my recent State of the Nation Address,” ang winika ng Pangulo.

“We are working towards a steady and reliable power supply that will meet the demands of today and continuously fuel our ambitions for tomorrow. Projects like Terra Solar bring us closer to that vision,” dagdag na pahayag nito.

Samantala, nanawagan naman ang Pangulo sa mga ahensiya ng pamahalaan at pribadong sektor na tiyakin ang napapanahong pagtatapos ng proyekto at gayahin ang inisyatiba sa renewable energy project sa buong bansa.

Pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos ang Meralco, Terra Solar Philippines, Inc., Solar Philippines New Energy Corporation, MGen Renewable Energy Inc., at iba pang partners na sangkot sa proyekto, pagkilala sa kanilang pagsisikap na puwesto o ilagay ang Pilipinas bilang ‘key player’ sa global energy revolution. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here