Home NATIONWIDE DQ sa Eleksyon 2025 papalagan ni Erice

DQ sa Eleksyon 2025 papalagan ni Erice

191
0

MANILA, Philippines- Maghahain ng motion for reconsideration sa Commission on Elections (Comelec) si dating Caloocan Representative Edgar Erice sa desisyon ng pagdiskwalipika sa kanya para sa 2025 elections.

Sa isang press conference, sinabi ni Erice na diniskwalipika siya dahil nairita umano sa kanyang pagpupursige.

Nitong Miyerkules, pinagbigyan ang petisyon na humihiling na idiskwalipika si Erice dahil sa pagpapakalat ng maling impormasyon sa kontrata ng Comelec sa South Korean firm Miru System Inc.

Si Raymond Salipot ang tumayong petitioner laban kay Erice na aniya ay nilabag ng mambabatas ang Section 261 ng Omnibus Election Code (OEC) dahil sa pagpapalaganap ng walang katibayan ngunit nakakagambala at posibleng makapinsalang pahayag laban sa Comelec at sa darating na Eleksyon sa iba’t ibang pahayagan, TV at radyo.

“All statements made by Respondent contradict verifiable and widely available facts from the Comelec and all sources across platforms ,” ayon sa desisyon ng Comelec. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here