MANILA, Philippines- Tiniyak ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Maria Cristina Aldequer-Roque na walang pagtaas sa presyo sa pangunahing bilihin hanggang sa pagtatapos ng taon.
Sa Noche Buena, sinabi ni Roque sa press briefing ng Malacañang na 50 porsyento ay mananatiling pareho katulad noong nakaraang taon, habang ang iba naman ay nagtaas ngunit mas mababa lamang sa 5 porsyento.
Nilinaw din ni Roque na ang bahagyang pagtaas sa presyo ng ilang bilihin ay ipinatutupad na.
Ayon kay Roque, ang pagtaas ng presyo na ito ay kumakatawan sa mga unang pagsasaayos mula noong nakaraang taon.
Ipinaliwanag din ni Roque na ang mga pagtaas na ito ay kinakailangan upang matugunan ang pagtaas ng mga gastos, partikular sa mga imported na produkto.
Gayunman, sinabi ni Roque na ang mga pagsasaayos ay pinanatiling minimal upang matiyak na hindi ito labis na magpapabigat sa mga mamimili. Jocelyn Tabangcura-Domenden