Home NATIONWIDE LPA sa kanluran ng La Union, posibleng maging bagong tropical depression

LPA sa kanluran ng La Union, posibleng maging bagong tropical depression

2
0

MANILA, Philippines — May “high” chance nang maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras ang low-pressure area na nasa loob ng Philippine area of responsibility, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration nitong Martes.

Sa tropical cyclone outlook na inilabas alas-4 ng hapon, sinabi ng Pagasa na huling namataan ang LPA 180 kilometro sa kanluran ng Bacnotan, La Union, alas-2 ng hapon.

Mababa pa ang posibilidad nitong maging tropical depression noong alas-8 ng umaga nitong Martes.

Samantala, tuluyan nang nalusaw ang isa pang LPA sa loob ng PAR na dating Tropical Cyclone Luis. Humina si Luis mula tropical depression at naging LPA alas-8 ng gabi nitong Lunes.

Patuloy namang minomonitor ng Pagasa ang Typhoon Dolphin na nananatili sa labas ng PAR.

Huling namataan ang bagyo 2,115 kilometro sa silangan-hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon at kumikilos pakanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here