MANILA, Philippines- Inilikas ang mahigit 300 indibidwal matapos tumaas ang water level sa Layawan River sa Oroquieta City, Misamis Occidental kasunod ng walang tigil na ulan.
Umapaw umano ang ilog, at pumasok ang tubig sa ilang kabahayan sa Barangay Villaflor.
Kasalukuyang nananatili ang evacuees mula sa iba’t ibang barangay sa evacuation centers.
Sinuspinde rin ang klase sa lahat ng lebel sa public at private schools noong Biyernes, Nobyembre 29, 2024.
“Kagabi pa nag-ulan na then mohunong og kadyot then padayon og pag-ulan-ulan pero sa report kaganina, kusog ang ulan, kusog ang hangin didto sa kabukiran nato. Mao na, posible nga ang tubig gikan sa kabukiran,” ani Oroquieta City Mayor Lemuel Acosta.
Ipinag-utos naman ni Misamis Occidental Governor Henry Oaminal sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na bantayan ang sitwasyon. RNT/SA