Home NATIONWIDE ‘Bonifacio Day’ isinelebra ni Tol sa paghahatid ng serbisyo sa Manileño

‘Bonifacio Day’ isinelebra ni Tol sa paghahatid ng serbisyo sa Manileño

121
0
Nagpakuha ng larawan si Senate Majority Leader Francis 'TOL' Tolentino, kasama ang mga opisyal ng Barangay 667 sa Ermita, Maynila, sa harap ng kanilang bagong gawa na barangay hall at multi-purpose center.

MANILA, Philippines- Isinelebra ni Senate Majority Leader Francis ‘TOL’ Tolentino ang ika-161 araw ng kapanganakan ng rebolusyonaryong lider na si Andres Bonifacio sa pamamagitan ng pagbibigay ng serbisyo sa mga kapwa Manileño.

Si Tolentino ay nagtungo sa Barangay 667, Zone 72, sa Ermita, Maynila noong Sabado upang saksihan ang inagurasyon ng barangay hall at multi-purpose center nito. Sumailalim sa rehabilitasyon at refurbishing ang gusali sa tulong ng senador.

Kasama sa mga pagpapahusay sa istruktura ang pagdaragdag ng dalawang palapag sa orihinal na tatlong palapag na gusali, at isang elevator.

Pinangunahan din ng senador ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa 750 mahihirap na residente ng barangay sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“Bilang karangalan sa ating bayani, si Andres Bonifacio, na nagmula sa hanay ng uring manggagawa, nararapat lamang na pagtibayin natin ang ating pangako na maglingkod sa bayan,” ani Tolentino.

“Ang rehabilitasyon ng barangay hall, kabilang ang pagdaragdag ng isang multi-purpose center ay magbibigay-daan sa mga pinuno nito na makapaglingkod sa mas maraming nasasakupan at mapalawak ang kanilang mga serbisyo,” dagdag niya.

Kasama ni Tolentino sina Barangay 667 Chairwoman Margarita Mendoza Clemente, Chairman Emeritus Manuel Mendoza, mga barangay kagawad at residente. Kasama rin ng senador ang anak na si Patrick sa nasabing aktibidad. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here