Home NATIONWIDE Campaign online platforms registration ‘gang Dis. 13 lang – Comelec

Campaign online platforms registration ‘gang Dis. 13 lang – Comelec

117
0

MANILA, Philippines – Hanggang Disyembre 13 na lamang ang pagpaparehistro sa mga campaign online platforms, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Ito ang muling paalala ng Commission on Elections sa mga kandidato na tumatakbo para sa 2025 elections.

Nagbabala ang Comelec na posibleng maharap sa elections offense na may parusang disqualification ang sinumang hindi tatalima o iparehistro ang kanilang mga online campaign platforms.

Ayon sa Comelec, ginawa ang ganitong hakbang upang maiwasan ang paggamit sa mga artificial intelligence ,deep fake at iba pang maaring gamitin sa kampanya.

Naghain ng COC at CONA ang mga kandidato noong Oktubre 1 hanggang 8 ng taong kasalukuyan para sa darating na halalan.

Magsisimula ang kampanya sa buwan ng Pebrero 2025. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here