Home NATIONWIDE Taniman ng marijuana sa Ilocos Sur, sinalakay ng NBI

Taniman ng marijuana sa Ilocos Sur, sinalakay ng NBI

237
0

Sinalakay ng National Bureau of Investigation (NBI) ang Marijuana plantation sa boundary ng La Union at Ilocos Sur sa pagpapaigting ng kampanya laban sa illegal drug trade sa bansa.

Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na katuwang ng ahensya ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) sa nasabing pagsalakay.

Nag-ugat ang operasyon sa illntelligende report na ang marijuana o cannabis sativa ay itinatanim sa boundary ng La Union, Ilocos Sur at Benguet kung saan ang mga tanim na marijuana na ‘full grown’ o magulang na ay maari nang anihin at handa na para sa distribusyon.

Nang maberipika ng NBI-LADO sa pangunguna ni Atty.Sante B. Bonoan ang impormasyon at lokasyon ng Marijuana plantation sa Sugpon, Ilocos Sur ay agad na ikinasa ang operasyon ay inakyat ang bundok kung saan nakatanim ang mga marijuana.

Habang papalapit ang mga operatiba tumakas ang mga magsasaka ng marijuana.

Pagtatantya ng mga kinatawan mula sa PDEA, ang halaga ng marijuana ay nagkakahalaga ng P2,225,000.00.

Binunot at sinunog sa lugar ang mga marijuana ng pinagsanib na mga operatiba. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here