WASHINGTON – Nag-isyu si US President Joe Biden ng opisyal na pardon noong Linggo para sa kanyang anak na si Hunter Biden, na naghihintay ng hatol para sa dalawang kasong kriminal.
Hinarap ni Hunter ang mga kaso dahil sa pagsisinungaling tungkol sa kanyang paggamit ng droga habang bumibili ng baril at para sa pag-iwas sa buwis, mga krimen na maaaring humantong sa mga dekada sa bilangguan. Dati siyang umamin ng kasalanan at binayaran ang mga buwis na may mga parusa.
Ipinagtanggol ni Pangulong Biden ang iginawad pardon, at sinabing ang kanyang anak ay hindi patas na na-target dahil sa kanilang relasyon.
“No reasonable person who looks at the facts of Hunter’s cases can reach any other conclusion than Hunter was singled out only because he is my son — and that is wrong,” ani Biden.
Dagdag pa ni Biden na tinarget lang ang kanyang anak dahil sa relasyon nito sa kanya.
“I said I would not interfere with the Justice Department’s decision-making, and I kept my word even as I have watched my son being selectively, and unfairly, prosecuted,” saad pa sa pahayag ni President Biden.
“The charges in his cases came about only after several of my political opponents in Congress instigated them to attack me and oppose my election,” aniya pa.
Ang desisyon ay nagdulot ng mga katanungan tungkol sa kawalang-kinikilingan ng sistema ng hudisyal ng US, lalo na’t ang mga kaso ni dating Pangulong Donald Trump ay nahaharap sa mga pagkaantala dahil sa isang desisyon ng Korte Suprema sa presidential immunity.
Ang pardon ay naging mitsa ng mga debate tungkol sa pagiging patas sa legal na sistema, kung saan kinukuwestiyon ng mga kritiko ang precedent na itinakda nito, habang ang mga tagasuporta ay nangangatuwiran na itinatampok nito ang pangangailangang paghiwalayin ang pulitika sa hustisya. RNT