MANILA, Philippines – Nangako ang Philippine Ports Authority (PPA) na isusulong ang mga programa at proyekto na makakabawas sa carbon footprint sa lahat ng panatlaan sa bansa.
Ang pagtitiyak na ito ay ginawa ni PPA General Manager Jay Santiago sa dalawang araw na seminar ng Realizing Carbon neutral Ports sa ASEAN Region sa Manila na dinaluhan ng panguanahingvindustry players , policy makers at sustainability advocates.
Tinalakay sa nasabing aktibidad ang mga istratehiya at inobasyon para sa greener port operations sa buong rehiyon.
Binigyang-diin ni Santiago ang kagyat na pangangailangan para sa mga daungan na umunlad nang higit pa sa kanilang mga tradiayunal na tungkulin bilang mga facilitator ng kalakalan.
Kabilang aniya sa inisyatiba ay ang port modernization programs, energy-efficient technologies, at ang pag-adopt sa digital systems upang nabawasan ang greenhouse gas emissions.
Habang ang makabulohang proseso ay ginagawa na, binigyang-diin ni Santiago ang pangangailangan para sa karagdagang collaboration sa pagkakahanay sa global sustainability frameworks upang makamit ang carbon neutrality. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)