BULACAN – Patay ang mag-iina matapos na madaganan ang sinasakyang van ng trak na may kargang lupang panambak sa Angat.
Kinilala ang mga biktimang idineklarang dead on arrival sa pagamutan ang ginang na si Angeline Herrera, at mga anak niya na isang anim at 2-taong gulang.
Base sa imbestigasyon, nasawi ang mag-iina matapos na mawalan umano ng kontrol ang driver sa kaniyang truck hanggang sa madaganan nito ang L300 van na sinasakyan ng mga biktima.
Nakaligtas naman ang kanilang padre de pamilya. RNT