Home NATIONWIDE Mas maraming anti-submarine assets target ng PH Navy

Mas maraming anti-submarine assets target ng PH Navy

111
0

MANILA, Philippines – Kasunod ng pagkakadiskubre sa isang Russian attack submarine sa West Philippine Sea noong nakaraang linggo, sinabi ng Philippine Navy nitong Martes, Disyembre 3 na target nitong bumili pa ng karagdagang anti-submarine assets, kabilang ang warships.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Philippine Navy spokesperson for the WPS Commodore Roy Trinidad na noong mga nakaraang taon pa natukoy ang pangangailangan sa pagbili ng mas maraming assets.

“We have submitted proposals for two more corvettes, I believe, or two more frigates,” sinabi ni Trinidad.

“These are multi, these are modern warfare ships that could conduct the four domains of warfare,” dagdag niya.

Aminado ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na na-alarma ito nang mamataan ang Russian attack submarine, at sinabing ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakakita ang pwersang Pinoy ng attack submarine sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas nang walang paunang abiso.

Ayon sa National Security Council, namataan ang Russian attack sub (UFA 490) na bumibiyahe sa ibabaw ng tubig 80 nautical miles kanluran ng dalampasigan ng Occidental Mindoro noong Nobyembre 28 at kalaunan ay umalis din ng hapon.

Sinabi ng submarine na sila ay galing sa exercise kasama ang Royal Malaysian Navy sa Kota Kinabalu.

Anang Philippine Navy, ang barko nitong BRP Jose Rizal ay nagsagawa ng radio challenge sa Russian submarine at sinabi nitong naghihintay lamang ito na bumuti ang panahon bago tuluyang bumalik sa naval base nito sa Vladivostok. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here