Home METRO Ex-Marine tiklo sa panunutok ng baril sa Taguig road rage

Ex-Marine tiklo sa panunutok ng baril sa Taguig road rage

153
0

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang lalaking nagdala at nanutok ng baril sa mga motorista sa insidente ng road rage sa Colonel Bravo Street sa Taguig City noong Linggo, Disyembre 1.

Sa isang viral video, makikita ang suspek na nanutok ng baril maging sa uploader ng video.

Tinutuya rin ng mga kasamahan ng suspek ang biktima habang nakatutok ang baril sa mga ito.

Agad na naaresto ang suspek sa isinagawang follow-up operation ng Taguig Police.

Napag-alaman na ito ay isang retiradong miyembro ng Philippine Marines.

Nakuha mula sa suspek ang isang kalibre .45 baril na may pitong bala.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang road rage ay resulta ng argumento nang harangin ng suspek ang sasakyan ng biktima na nairita umano sa busina nito.

Yung kaniyang baril eto ay tsini-check natin kung whether it is still licensed or not, but alam ko nakapag-file na yung ating Taguig Police Station [ng] kaso for grave threats at illegal possession. Definitely, hindi licensed yung baril na to,” sinabi ni Southern Police District Director Police Brigadier General Bernard Yang.

Kasalukuyang naka-detain sa Taguig Police Station ang suspek. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here