MANILA, Philippines – Ikinokonsidera ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtapyas sa surge fees para sa Transport Network Vehicle Services (TNVS) ng hanggang 50%.
Sa panayam sa Teleradyo Serbisyo, sinabi ni LTFRB Chair Teofilo Guadiz III na nakatatanggap sila ng mga reklamo kaugnay sa buong araw at mataas na surge charges.
Ani Guadiz, pinagpapaliwanag na ng LTFRB ang isang TNVS company kaugnay sa surge rates nito na inilarawan ng mga customer na napakataas.
Idinadagdag sa base fare tuwing peak hours ang surge fee kapag mas mataas ang demand at kakaunti lamang ang mga drayber.
Sa kasalukuyan ay mayroong 40,000 TNVS units sa bansa.
Noong nakaraang linggo, inaprubahan ng LTFRB ang karagdagang 5,000 slots noong nakaraang linggo para sa mas mataas na demand ngayong holiday season. RNT/JGC