Home METRO P7.5M tobats nakumpiska sa Caloocan, Taguig buy-busts

P7.5M tobats nakumpiska sa Caloocan, Taguig buy-busts

163
0

MANILA, Philippines- Naaresto ng mga pulis ang tatlong high-value individuals (HVI) at nasabat ang mahigit P7.5 milyong halaga ng ilegal na droga sa magkakahiwalay na operasyon sa  mga lungsod ng Caloocan at Taguig.

Sinabi ni Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-PDEG) chief Brig. Gen. Eleazar Matta nitong Miyerkules na isang 41-anyos na lalaking hindi pinangalanan ang nadakip sa isang buy-bust operation dakong alas-2:25 ng hapon nitong Martes sa kahabaan ng  Rizal Avenue sa Caloocan City.

Nakuhanan ang suspek ng halos 500 gramo ng shabu na may estimated street value na P3.4 milyon, maging non-drug evidence.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEG Special Operations Unit-National Capital Region ang suspek at ang non-drug evidence habang ang drug evidence ay dadalhin sa PNP Forensic Group in Camp Crame para salaboratory examination.

Samantala, sinabi ni Southern Police District Director Brig. Gen. Bernard Yang na ang mga suspek na kinilalang sina alyas Joy, 43, at alyas Enrique, 32, ay nalambat sa isang buy-bust operation bandang alas-8:50 ng gabi nitong Martes sa Barangay Rizal sa Taguig City.

Nasamsam mula sa mga suspek ang shabu na nagkakahalaga ng P4.14 milyon, buy-bust money, isang mobile phone at timbangan.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here