Home NATIONWIDE Tsina: Pinas ang bumangga sa’min

Tsina: Pinas ang bumangga sa’min

140
0

MANILA, Philippines- Iginiit ng China nitong Miyerkules na ang Philippine vessel ang bumangga sa mas malaking Chinese ship sa katubigan ng Scarborough Shoal.

Bagama’t maraming bansa ang bumatikos sa China sa pagbangga sa Philippine vessel, nanindigan ang China na hindi sila ang may kasalanan.

Sinabi ng Chinese Embassy sa Manila na ang Philippine vessel umano “intentionally rammed into a CCG (Chinese Coast Guard) ship” sa katubigan ng Scarborough (kilala sa China na Huangyan Dao), dahilan upang balaan ng ahensya ang Manila na itigil na ang umano’y panghihimasok nito.

Nang bombahin na ng tubig ng China ang Philippine vessels, ginawa umano nila ito “lawfully to control the situation,” ayon sa embahada na sinabi umano ni CCG spokesman Liu Dejun.

Muling sumiklab ang tensyon sa Scarborough matapos umanong gamitan ng Chinese ships ng water cannon at banggain ang Philippine vessels na nagpapatrolya sa West Philippine Sea nitong Miyerkules.

Nagsagawa ang Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng routine maritime patrol sa bisinidad ng shoal upang suportahan ang mga mangingisdang Pilipino nang makaranas ito ng “aggressive actions” mula sa China Coast Guard (CCG) at People’s Liberation Army (PLA) Navy, base kay PCG spokesperson for West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela.

Samantala, kinondena naman ng ilang bansa ang mga aksyon ng China. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here